1. Mom from Manila | Ramblings of a Mom about love, life and everything else in between: The pains of being a mom

Tuesday, June 17, 2008

The pains of being a mom



Kahapon nagalit ako sa yo. Ikaw kasi eh. Alam mo ba na mas nasasaktan ako na makita ka na umiiyak but I have to do it or no one else will. Si Dada kasi he is not a believer of the magic that is called by the oldies as "palo". Ang totoo mas takot ako kesa galit na baka hindi mo maiayos ang buhay mo pag pinabayaan kita with your wrong-doings. Afraid kasi si Mama na baka kalakihan mo ang ganyang style sa school. I dont want you to be a failure at school because I know you are smart and that I believe you can do better than what you are doing. Di mo lang alam mas masakit sa akin ang i reprimand ka, bawat palo ng sinturon sa 'yo kahit na kinokontrol ko ay parang tumatalbog sa akin lahat ng sakit. Syempre, mahal kita kaya pag nasasaktan ka mas nasasaktan ako. Sa ngayon ,malamang nga di mo maintindihan si Mama, malamang magtanim ka ng sama ng loob kay Mama (pero sa ugali mo , alam ko rin na napakalabo nun) pero alam ko dadating ang panahon na pasasalamatan mo ako dahil pinilit kitang ituwid at i-guide sa tamang landas. Sana kasi pinapanganak ang mga bata ng merong manual para alam ko kung papano kita irereset kung kelangan pero wala eh. I guess, Mama would have to do this by instinct or by emotions, whatever you wish to call it. Pero anak lahat ng ito ay para sa iyo. Oo, lahat ng gawin ni Mama ikaw ang unang iniisip nya. Ganyan ka kamahal ni Mama. Lagi mong tandaaan yan.

0 comments:

Post a Comment

Mom from Manila highly appreciates constructive comments. This is a DO FOLLOW comment section.