Tuesday, June 17, 2008
The pains of being a mom
Kahapon nagalit ako sa yo. Ikaw kasi eh. Alam mo ba na mas nasasaktan ako na makita ka na umiiyak but I have to do it or no one else will. Si Dada kasi he is not a believer of the magic that is called by the oldies as "palo". Ang totoo mas takot ako kesa galit na baka hindi mo maiayos ang buhay mo pag pinabayaan kita with your wrong-doings. Afraid kasi si Mama na baka kalakihan mo ang ganyang style sa school. I dont want you to be a failure at school because I know you are smart and that I believe you can do better than what you are doing. Di mo lang alam mas masakit sa akin ang i reprimand ka, bawat palo ng sinturon sa 'yo kahit na kinokontrol ko ay parang tumatalbog sa akin lahat ng sakit. Syempre, mahal kita kaya pag nasasaktan ka mas nasasaktan ako. Sa ngayon ,malamang nga di mo maintindihan si Mama, malamang magtanim ka ng sama ng loob kay Mama (pero sa ugali mo , alam ko rin na napakalabo nun) pero alam ko dadating ang panahon na pasasalamatan mo ako dahil pinilit kitang ituwid at i-guide sa tamang landas. Sana kasi pinapanganak ang mga bata ng merong manual para alam ko kung papano kita irereset kung kelangan pero wala eh. I guess, Mama would have to do this by instinct or by emotions, whatever you wish to call it. Pero anak lahat ng ito ay para sa iyo. Oo, lahat ng gawin ni Mama ikaw ang unang iniisip nya. Ganyan ka kamahal ni Mama. Lagi mong tandaaan yan.
Sunday, June 08, 2008
He really can sing
What good to start blogging again than by bragging about a song recorded by my brother. Yes, the song below has my youngest brother's voice. He did it for a company's event. Haynaku, tagal ko na kasi kinukulit itong mokong na ito na mag audition sa mga singing competitions eh. Sabi ko pa nga eh di dapat dalawa na tayong nakikita sa TV kasi I will be his talent manager. Anyways, a good singing voice runs in the family but then I am an exemption to that, haha! My mom and other titas used to sing sa mga barrio competitions noong mga dalagita pa lang sila sa provincia. To which, they always bring home the bacon. Lolo trained them and he was also their guitarist. Kaya, yes tama ang hula nyo, videoke is a staple pag merong okasyon sa pamilya namin. At kahit pa maging sementeryo ang puntahan namin at walang kuryente, di sila papapigil sa videoke. Haha!, kesehodang bumangon ang mga nananahimik, carry lang kasi talagang magaganda ang mga boses nila. Oh well, enough with the bragging. kayo na po ang bahalang humusga sa future ng brother ko sa singing at sana tulungan nyo ako na hikayatin sya.
Hope you enjoy it as much as I do!